FBOIS
FBOIS

MULING bumuo ng all-male group ang Viva collectively known as FBOIS na biubuo nina Julian Trono, Vitto Marquez, Andrew Muhlach, Jack Reid at Dan Huchska. Sila ang mga bagets circa  2018 at magbibida sa summer movie ng Viva Films na Squad Goals.

Si  Julian Trono ay mas kilala bilang ka-love team ni Ella Cruz. Magaling siyang sumayaw at binansagang Prince of the Dancefloor. Certified hits din ang kanyang mga awiting Isang Tingin at Tumalon.

 Siya si Benj sa Squad Goals na mahilig sa musika na tinutulan ng kanyang ama.

Relasyon at Hiwalayan

EJ Obiena, handa nang lumagay sa tahimik?

Anak ni Alma Moreno kay Joey Marquez si Vitto at kasaIi rin sa Hashtag group ng ABS-CBN. Ayon sa ina, mahiyain si Vitto kaya laking gulat niya na pinasok na rin nito ang showbiz. Siya ang IT Guy na si Tom sa  movie.

Suportado ni Aga ang half-brother na si Andrew na noon pa man ay desididong makipagsapalaran sa showbiz

Pagkakaroon ng sariling identity ang focus ng bunsong kapatid ni James who has been in the business sa loob ng tatlong taon. Sinisikap niyang matutong magsalita ng Tagalog na makatutulong ng malaki para sa mabilis na pagsulong  ng kanyang acting career.

Si Dan Huskcha ay dating miyembro ng Sugar High. Fourteen years old pa lamang si Daniel ay gusto na niyang mag-artista. Ang karakter na kanyang ginagampanan sa Squad Goals ay sumasalamin sa pagkatao niya sa tunay na buhay. 

Sundan at kilatisin nang husto ang FBOIS sa kanilang promo tour sa susunod na buwan na gaganapin sa following venues:  March 4  sa Ayala Malls, Cloverleaf;  March 10- Ayala Malls, Feliz;  March 11- SM City San Pablo; March 17- SM Iloilo; March 24-Ayala Malls Harbor Point at March 25–SM City Pampanga.

Ang Squad Goals ay mula sa direksiyon ni Mark Meiley. --Remy Umerez