NANGIBABAW ang lakas at lupit ni Kai Sotto para sandigan ang Ateneo sa 86-70 panalo kontra National University para makalapit sa minimithing kampeonato sa UAAP Season 80 juniors basketball championship sa Filoil Flying V Centre.

Nahila ng Blue Eaglets ang winning run sa 15, kasama ang 14-0 sweep sa elimination. Tatangkain ng Ateneo na tapusin ang best-of-three title series sa paglarga ng Game 2 sa Martes ganap na 4:00 ng hapon sa San Juan Arena. Hataw ang 7-foot-1 Sotto sa naiskor na 22 puntos, 16 rebounds at 11 blocks.

“Actually, he was playing sub-par. Maybe because Kai is not of shape. I don’t know,” sambit ni Ateneo coach Joe Silva. “But kami ni Kai, we always have a personal relationship. He texted me: ‘Abangan ninyo na coach, ito na. I got you coach.’”

“Nakita ninyo na ang totoong Kai Sotto. He is a man of his words,” aniya.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pinahanga ni Sotto ang manonood sa kanyang hindi mapigilang dunks at put back shot mula sa assist ng kasanggang si SJ Belangel.

Naunang makabante ang Bullpups sa 12-2, ngunit kumawala ang Eaglets para maitabla ang iskor sa 31-all sa halftime.

Nag-ambag si Dave Ildefonso ng 21 puntos, pitong rebounds, apat na assists at dalawang steal, habang tumipa si Belangel na may 17 puntos, walong assists, pitong boards at limang steals para sa Eaglets.

Nanguna si Terrence Fortea sa Bullpups na may 21 puntos, habang tumipa si Miguel Oczon ng 13 puntos.

Iskor:

Ateneo (86) – Sotto 22, Ildefonso 21, Belangel 17, Credo 13, David 8, Escalona 3, Manuel 2, Angeles 0, Chiu 0, Jaymalin 0, Lopa 0.

NU (70) – Fortea 21, Oczon 13, Amsali 11, Gonzales 8, Minerva 8, Malonzo 4, Manalang 2, Felicida 2, Coyoca 1, Javillonar 0, Pangilinan 0.

Quarterscores: 11-17, 31-31, 61-51, 86-70