Ni AARON B. RECUENCO

Sinabi kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na handa siyang pamunuan ang pulisya hanggang sa pinakamahabang panahon na ipahihintulot sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte alinsunod sa batas, makaraang sabihin mismo ng Presidente na muli nitong palalawigin ang termino ng paborito niyang pulis.

150617_Dela Rosa MB HotSeat_06_Ganzon copy

Sakaling mangyari ito, maaaring magsilbi si dela Rosa bilang PNP Chief hanggang sa Enero 21, 2019, ilang buwan bago ang eleksiyon. Una nang napaulat na may plano si dela Rosa na kumandidatong senador o gobernador sa 2019 midterm elections.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“I was surprised when that news came out. There is no problem for me, I’ll just continue, continue the fight,” sabi ni dela Rosa.

Enero 21, 2018 nakatakda ang pagreretiro ni dela Rosa, ang petsa ng kanyang mandatory retirement age na 56. Bago sumapit ang nasabing petsa, pinalawig ng Pangulo ang serbisyo ng PNP Chief hanggang Abril 21—hanggang sa banggitin ni Duterte ang panibagong term extension ni dela Rosa.

“He (Duterte) still needs me in the fight against scalawag policemen. This is really the hardest fight, fighting the scalawags within the organization,” sabi ni dela Rosa.

Sa larangan naman ng drug war, naniniwala si dela Rosa na kuntento ang Pangulo sa nagawa niyang pagpapasuko sa mahigit 1.3 milyong tulak at adik, pagdakip sa 120,000, at matinding pagkapilay ng kalakalan ng droga sa bansa.

“I am also happy that I will be given the chance to serve the country further,” sabi pa ni dela Rosa, na una nang pinangakuang itatalaga bilang hepe ng Bureau of Corrections matapos magretiro sa Abril.

“On the other hand, I was sad because my retirement plans are spoiled. I have already plans with my family after retirement but I am sure that they will understand it,” ani dela Rosa. “That’s how it works in the kind of profession that we have. Our family is always the second priority.”