Ni Alexandria Dennise San Juan

Sa mga susunod na buwan ay inaasahang bibiyahe na ang nasa 3,000 modernong jeepney sa mga lansangan sa bansa matapos hilingin ng ilang transport group na ilabas na ang mga bagong unit bilang suporta sa modernization program ng pamahalaan.

Nangako ang ilang transport groups at manufacturing firms ng sasakyan sa bansa sa Department of Transportation (DOTr) na maglalabas sila ng mahigit 3,000 moderno at bagong unit ng jeep, alinsunod sa pinirmahang memorandum of agreements (MOA) sa Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City.

Pinangunahan ni DOTr Undersecretary for Road Transport Tim Orbos ang nasabing seremonya, at sinabing unti-unti nang mararanasan ng mga pasahero ang pagbuti ng transportasyon sa mga susunod na buwan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Orbos, na ang mga bagong jeep ay alinsunod sa modernization program ng pamahalaan at nakatakdang dumating sa bansa sa susunod na tatlo hanggang anim na buwan.

Tiniyak din ng DOTr ang ayuda sa transport groups para mapagaan ang requirements sa pagkuha ng financing para mapalitan na ang mga lumang jeep.

Samantala, inihayag naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Delgra na ipinoproseso na ng ahensiya ang mga kinakailangang ruta ng mga lokal na pampublikong sasakyan para sa pag-iisyu ng prangkisa sa mga transport operators.