Nanawagan kahapon ang pinuno ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa mga mananampalataya na palaging ipagdasal ang kaligtasan ng overseas Filipino workers.

Ito ang hiniling ni CBCP-ECMI chairman Bishop Ruperto Santos sa pag-obserba ng National Migrants Sunday.

“Let us pray always for them that our God watch over them, keep them safe and spare them from sickness and accident,” saad sa pahayag ng obispo ng Balanga.

“In their places and travels, we pray that they may find good employers and decent jobs,” dagdag ni Santos.

DepEd, isinusulong ang kahalagahan ng rights-based education

Sinabi ng pinuno ng ECMI na ipinananalangin din niya na palaging igagalang ang mga karapatan at dignidad ng OFWs.

At para sa mga umabuso at nanggamit sa OFWs, hiniling ni Bishop Santos na magsisi ang mga ito.

“We remind them Jesus calls in today’s gospel: repent,” aniya.

Ipinagdiriwang ng Catholic Church in the Philippines ang 32nd National Migrants Sunday (NMS) kahapon, ang unang Linggo ng Kuwaresma.

Ang NMS ay isang espesyal na Linggo na iniaalay para sa mga sakripisyo at kabayanihan ng OFWs at kanilang mga pamilya.

Ang pambansang pagdiriwang ngayong taon ay ginanap sa Diocese of San Pablo sa Laguna.

Sa Archdiocese of Manila, ang culminating activities ay idinaos sa Sto. Nino de Pandacan. - Leslie Ann G. Aquino