PUNJAB (AFP) – Pinatawan ng isang korte sa Pakistan nitong Sabado ng apat na parusang bitay ang lalaking inakusahan ng panggagahasa at pagpatay sa isang anim na taong gulang na babae, sa kasong ikinagimbal ng bansa at nagbunsod ng mga riot sa kanilang bayan.

Si Imran Ali, 24, ay nilitis sa pagpatay kay Zainab Fatima Ameen sa silangang lungsod ng Kasur nitong nakaraang buwan.

Nahaharap din siya sa mga kaso ng pito pang pag-atake sa ibang bata sa Punjab city — lima ay pinatay— sa serye ng mga pag-atake na naghasik ng takot mga tao kaugnay sa isang gumagalang serial child killer. Umamin siya sa walong pag-atake, kabilang ang pagpatay kay Zainab.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'