Ni BETH CAMIA

Nananatiling sinsero ang pamahalaan sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa Pilipinas.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Duterte kahit pa nag-alok siya kamakailan sa mga Lumad ng pabuyang pera sa sinumang makapapatay ng mga rebeldeng komunista.

Ito ang ipinangako ng Presidente nang makipagpulong nitong Huwebes sa Davao City sa kinatawan ng Norway na si Idun Tvedt, na nakatalaga sa peace process sa pagitan ng Pilipinas at ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NDFP).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ang Norwegian government ay nagsisilbing third party facilitator ng peace talks sa magkabilang panig.

Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na welcome kay Pangulong Duterte ang pagpapahayag ng Norway ng commitment kasabay ng pagbibigay-diin na dapat makamit ang kapayapaan para na rin sa national interest ng bansa.

“The Special Envoy reiterated the commitment of the Norwegian Government to assist the Philippines in its peace process with the CPP-NPA-NDF,” sinabi ni Roque nitong Biyernes.

“The President stressed that the Philippines is committed to peace,” dagdag ni Roque.

Gayunman, nilinaw ni Roque na hindi ito nangangahulugan na magpapatuloy ang nakanselang peace peace negotiations ng gobyerno sa CPP-NDFP.

Aniya, wala nang kinabukasan ang peace talks sa mga rebelde dahil ‘tila hindi naman sinsero ang mga ito sa negosasyon.

Matapos makansela ang peace talks, idineklara ng Pangulo ang CPP-NDFP at New People’s Army bilang teroristang grupo, at muling ipinaaaresto ang mga pansamantalang pinalayang NDFP consultants.