Ni ADOR SALUTA

Angel at Neil
Angel at Neil
SA panayam kay Angel Locsin sa FDCP Film Amabassadors Night 2018 na ginanap nitong nakaraang Biyernes sa Sampaguita Gardens, Quezon City, inamin niya ang estado ng relasyon nila ni Neil Arce.

Sabi ng aktres, ngayong Pebrero lang talaga naging pormal ang kanilang relasyon.

“Eversince naman open ako sa inyo. ‘Di pa talaga namin alam kung ano ‘yung label, pero ngayon mayroon na kaming label. Yes, we’re together,” masayang sabi ni Angel.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

May dahilan kung bakit umamin siya. “Nahihirapan na ako sa mga interviews, lagyan na natin ng something. Itong month na ito, itong month na ito lang.”

Tiyak din na magkakaroon sila ng selebrasyon sa paparating na Valentine’s Day.

 

“’Di talaga ako ‘yung tipong nagse-celebrate ng Valentine’s. Mas siya ‘yung nagse-celebrate. Mayroon daw siyang hinanda, siguro dinner lang. Try naming ‘di Valentine’s Day kasi traffic,” aniya.

Naitanong din sa aktres kung anong klaseng boyfriend ba si Neil.

 

“Wala akong masasabi kasi we’ve been friends for seven years. Para lang kaming magbarkada lang.”

Malalim ang pundasyon nila bilang magkaibigan, kaya hindi itinanggi ni Angel ang posibilidad na maaaring si Neil na ang makatuluyan at makasama niya habang-buhay.

“Ayokong magsalita pero ‘di naman namin ito gagawin kung ‘di namin nakikita na, ‘Ah, okay itong taong ito.’ Pero right now we are taking our time.

“Siguro sobrang take our time, ganu’n, pero sobrang ini-enjoy pa lang namin. I’m just happy na nandiyan siya sa tabi ko,” sey ng aktres.

Sa renewal ng kanyang contract sa ABS-CBN inihayag ng aktres na tanggap si Neil ng pamilya Colmenares. Kasama ni Angel sa nasabing contract signing ang kanyang ama na nagpahayag ng pagsang-ayon sa relasyon ng anak kay Neil.

“Mabait naman si Daddy and matagal na niyang kilala si Neil, and he (Neil) knows kung gaano kaimportante ang family sa akin kaya binibigyan niya talaga ng halaga yun,” sabi ng dalaga.