Justin Melton of the Magnolia Hotshots drives past Chris Ross of the San Miguel Beermen (PBA Images)
Justin Melton of the Magnolia Hotshots drives past Chris Ross of the San Miguel Beermen (PBA Images)

Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Calasiao Sports Complex)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

5:00 n.h. -- Rain or Shine vs Magnolia

MAKAbawi sa nakaraan nilang kabiguan upang patuloy na makaagapay sa pangingibabaw ang tatangkain ng Magnolia Hotshots sa pagtutuos nila ng koponan ng Rain or Shine ngayong hapon sa pagdayo ng PBA sa Pangasinan sa pagpapatuloy ng 2018 Philippine Cup.

Ganap na 5:00 ng hapon ang nasabing out-of-town game na idaraos sa Calasiao Sports Center.

Nalaglag sa ikalawang puwesto kasalo ng Alaska na may markang 6-2, panalo -talo mula sa dating pagiging co-leadee ang tinaguriang Pambansang Manok matapos silang maungusan ng defending champion San Miguel Beer sa nakaraan nilang laban.77-76 .

Kung hangad ng Magnolia na makabalik ng winning track, ikatlong sunod na panalo naman ang target ng Elasto Painters na galing sa back-to-back wins pagkaraan ng hindi inaasahang kabiguan sa kamay ng Kia na nag-angat sa kanila sa solong ika-apat na puwesto taglay ang markang 4-3.

Sa kabila ng kinakaharap na mga internal problems dahil sa mga naglalabasang mga balitang gustong lumipat ng teams ng ilan sa kanilang mga key players, nagtala ng dalawang sunod na panalo ang Rain or Shine, pinakahuli kontra Meralco Bolts, 90-84, upang makabangon sa masaklap na pagkatalo sa Picanto.

Ayon kay coach Caloy Garcia, hiniling lamang nIya sa kanyang mga players na maging mga propesyunal at maglaro ng mahusay para masuklian ang ibinibigay sa kanila ng management.