Ni Marivic Awitan

PATULOY ang pamamayagpag ng Nazareth School of National University sa second round ng UAAP 80 Juniors basketball tournament.

Nagposte si Winderlich Coyoca ng 14 puntos, bilang topscorer ngunit ang kanilang frontcourt na nagtala ng pinagsamang 39 puntos at 40 rebounds ang siyang naghatid sa Bullpups tungo sa 73-62 panalo kontra Adamson Baby Falcons nitong Miyerkules sa Blue Eagle Gym sa Quezon City.

Nagsipagtapos sina big men Michael Malonzo (13 puntos, 14 rebounds), Rhayyan Amsali (11 puntos, 10 rebounds), at Robert Minerva (11 puntos, 12 rebounds) na may double-double para sa Bullpups kasama si Pao Javillonar na may apat na puntos at anim na rebounds.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang panalo ang ika -6 na sunod para sa Bullpups na nag -angat sa kanila sa markang 11-2, at tumatag sa ikalawang puwesto.

Nagsilbi na rin itong paghahanda para sa NU sa nakatakda nilang pagtutuos ng namumuno at walang talong Ateneo de Manila High School na siyang magdidikta kung magkakaroon ng Final Four sa darating na Biyernes.

Dahil sa kabiguan ng Adamson, nasiguro ng defending champion Far Eastern University-Diliman ang pag -usad sa susunod na round matapos nitong magwagi kontra University of the Philippines Integrated School, 65-56.

Nagtala si L-Jay Gonzales ng 21 puntos at apat na assists para sa Baby Tamaraws na tumaas sa markang 8-5, habang ibinaba nila ang Junior Maroons sa barahang 3-10.