Jeff Chan of the Phoenix Fuelmasters (PBA Images)
Jeff Chan of the Phoenix Fuelmasters (PBA Images)

Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (MOA Arena)

4:15 n.h. -- TNT Katropa vs Phoenix

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

7:00 n.g. -- Kia vs Ginebra

MAKAPAGSOLO sa ikatlong puwesto ang naghihintay sa TNT Katropa sa pagsabak kontra Phoenix ngayon sa nakatakdang double header sa 2018 PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Magtutuos ang Katropa at ang Fuel Masters ganap na 4:15 ng hapon bago ang ikalawang laro sa pagitan ng Kia Picanto at Barangay Ginebra ganap na 7:00 ng gabi.

Aasintahin ng tropa ni coach Nash Racela na madugtungan ang 90-85 na panalo nitong Miyerkules kontra Picanto upang makakalas sa pagkakabuhol sa Rain or Shine sa ikatlong puwesto taglay ang parehas na 4-3 marka.

Ang panalo ay nakamit ng Katropa kahit wala ang big man na si Mo Tautuaa na hindi nakalaro dahil na food poisoning at sa tulong ng reserve guard na si RR Garcia na nag -step up sa final stretch at pumukol ng dalawang krusyal na 3-pointers.

Ikinatuwa ni Racela ang naging kahandaan ni Garcia na talagang kinakailangan nila sa mga darating na araw sa inaasahang pagkawala ni Jason Castro dahil sa nakatakdang pagsabak ng Gilas Pilipinas para sa second window ng 2019 FIBA World Cup qualifying tournament.

Inaasahan namang magkukumahog at magdu-dobleng kayod ang Fuel Masters upang makabalik sa winning track matapos ang natamong 75-93 kabiguan sa kamay ng Alaska noong Miyerkules na nagbaba sa kanila sa fourth spot ng team standings taglay ang markang 3-4, kasalo ng NLEX, Globalport at Ginebra.

Sa tampok na laro, kapwa magsisikap na makabalik sa winner’s circle ang Picanto at Gin Kings.