Ni ANNIE ABAD

BAGO CITY -- Patuloy ang pakitang gilas ang mga batang boksingero sa kanilang pagsabak sa huling araw ng Preliminary round sa Visayas leg ng Philippine Sports Commission (PSC)-Pacquiao Amateur Boxing Cup nitong weekend sa Manuel Y. Torres Memorial gym.

Kabuuang pito sa 10 laban ang naitala sa referee-stop-contest kabilang ang panalo ni Michael Adolfo ng Cadiz City, Negros Occidental laban kay Rolyn Agravante ng Sipalay City sa Boys light flyweight.

Ganito rin ang kinahantungan ng labanan sa pagitan nina Geniel Alit ng Victoria City Negros Occidental at Steven Jasper Canon ng Maasin City, Cebu sa boys flyweight. Nagwagi ang una sa RSC decision may 1:05 sa ikalawang round.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kasunod nito,nagwagi si Nel Tambanillo ng Bago City kontra Jovan Molleno ng Calbayog Leyte sa RSC sa huling 51 segundo ng second round, habang si Renz Lee Teves ng Bayawan Negros (Boys flyweight) sa huling 2:58 ng 1st round kontra kay Robert Porras ng Himamaylan, Negros Occidental.

Si Johnro Taneo naman ng Cebu City Sports Institute ay nagwagi para sa Boys flyweight kontra kay Edward Ruis ng Mucia Negros Occidental sa huling 2:42 ng laban, habang si Mark Alob naman ng Cadiz ay nagwagi sa huling 2:59 ng round 2 para sa boys flyweight kontra naman kay Darwin Enterado ng Sipalay Negros.

Nagwagi si Herlan Gomez ng Victoria City sa Boys Bantamweight sa huling 2:58 ng round 3 kontra kay Charly Sumugat ng Bayawan Negros.Si John Paul Gabunelas ng Cebu city naman ay nagwagi kontra kay Rudni Camani ng Bayawan Negros.

Unanimous decision naman ang naging resulta ng labanan sa pagitan nina Limbert Cainap ng Cebu kontra kay Elmar Douma ng Don Salvador Benedicto ng Negros kung saan nagwagi ang una para sa Boys flyweight at si Jhorhe Pasculado nman ng Omega Negros ay nagwagi kontra kay Jereme Puig ng Sipinid Boxing Club ng Bago City para sa Boys bantamweight.

Ang mga nagwagi sa visayas preliminary ay aakyat para sa quarterfinal round ng naturang torneo na gaganapin sa Naga, Cebu City sa Pebrero 24-25.