Ni Marivic Awitan

Vic Manuel of the Alaska Aces  (MB photo | Rio Leonelle Dleuvio)
Vic Manuel of the Alaska Aces (MB photo | Rio Leonelle Dleuvio)
NGAYONG ganap nang nakabawi sa natamong knee injury, balik sa kanyang dating eksplosibong laro si Vic Manuel para tulungan ang Alaska sa kanilang winning run sa ginaganap na 2018 PBA Philippine Cup.

Tinaguriang “Muscleman”, nagtala si Manuel ng average na 15.5 puntos, 4.0 rebounds, 2.0 assists at 1.5 steals off the bench para giyahan ang Alaska kontra Phoenix at GlobalPort na siyang nagpahaba sa winning run ng Aces sa anim. Bunsod nito, kinilala siya bilang PBA Press Corps Player of the Week para sa buong linggo ng Enero 29 -Pebrero 4.

Patunay na wala ng iniindang sakit sa kanyang tuhod, nagposte si Manuel ng 21-puntos at limang rebounds sa ipinosteng 105-98 overtime win kontra GlobalPort noong nakaraang Linggo sa Ynares Center sa Antipolo City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nauna rito , nagposte naman ang 6-4 na si Manuel ng 10 puntos at tatlong rebounds off-the-bench sa naging 93-75 na panalo nila kontra Phoenix, 93-75.

Tinalo ng 30-anyos na si Manuel ang mga teammates nyang sina Calvin Abueva at Chris Banchero, Kelly Williams at Jayson Castro ng TNT, Rain or Shine forward Beau Belga at mga guards na sina Chris Tiu at Ed Daquioag, Chris Ross, Chico Lanete at Junemar Fajardo ng San Miguel ,Cyrus Baguio at Larry Fonacier ng NLEX at Magnolia guard Mark Barroca para sa lingguhang citation.