TIYAK na papasok sa world rankings si Pedro Taduran matapos niyang patulugin si WBO Asia Pacific minimumweight champion Jerry Tomogdan sa 10th round para masungkit ang Philippine mini flyweight title kamakailan sa Valencia City, Bukidnon.

Tiniyak ni Taduran na hindi idadaan sa mga hurado ang resulta ng laban nang tamaan niya ng matinding kaliwa si Tomogdan na-groggy at bumagsak kaya hindi natapos ang laban.

Minsan nang lumaban si Tomogdan sa world title bout pero natalo sa knockout kay WBC minimumweight titlist Wahyeng Menayothin noong Hunyo 2, 2015 sa Bangkok, Thailand.

Inaasahang papasok sa listahan ng mga boksingerong puwedeng makakuha ng world title crack si Taduran dahil nakalista si Tomogdan na ranked WBO No. 9 sa kampeong si Ryuka Yamanaka ng Japan at No. 14 kay IBF mini-flyweight titlist Hiroko Kyoguchi na isa ring Hapones.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Napaganda ni Taduran ang kanyang kartada sa 11 panalo, 1 talo na may 9 knockouts samantalang bumagsak ang rekord ni Tomogdan sa 24-9-4 na may 12 pagwawagi sa knockouts. - Gilbert Espeña