Go Teng Kok
Go Teng Kok
PORMAL na tinanggap ni sports patron Go Teng Kok ang alok ng bagong samahang Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) bilang honorary adviser.

Sa idinaos na pakikiisa sa mga opisyal ng TOPS sinabi ng dating Patafa president na isang higanteng hakbang ang ginawang pagbubuklod ng mga alagad ng pamamahayag mula sa mga diyaryong tabloid na pang-masa para sa napapanahong paghahatid ng impormasyon para sa bayan.

“The formation of TOPS is very timely. I fully support the advocacy of the group to work closely with both the National Press Club (NPC) and the Philippine Sportswriters Association (PSA) to promote responsible journalism and disseminate real news without fear or favor,” pahayag ni Go.

Ang TOPS ay pinamumunuan nina Ed Andaya ng People’s Tonight (president); Dennis Eroa ng Bander/Inquirer (VP-Internal), Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon (VP Xternal), Edwin Rollon ng Balita (secretary), Nympia Miano Ang ng Bulgar (treasurer) at Mae Balbuena ng Pang-Masa (auditor).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang Board of Directors ay kinabibilangan nina Enjel Manato ng Abante/Abante Tonite, Fred Nasiad ng Bandera,Jeff Venancio ng Police Files Tonite , Clyde Mariano ng Pilipino Mirror, Rico Navarro ng Remate, Jesse Ong ng Market Monitor at Danny Simon ng Gilas Pinas at H.O.Y.International.