Ni REGGEE BONOAN

PALAISIPAN sa amin kung buwag na ang love team nina Sofia Andres at Diego Loyzaga dahil hindi na pala sila magkasama sa Bagani na malapit nang umere sa ABS-CBN at pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrigue Gil.

DIEGO AT SOFIA_please crop copy copy

May nagsabi sa amin na tuluy-tuloy pa rin ang Sofiego love team kahit hindi sila magkasama sa newest TV series ng Dos dahil may iba pa naman daw na project na nakalaan sa kanila.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Mga lugar sa Metro Manila na may paganap para sa Pride Month

Ilang beses na naming nasulat na hiwalay na sina Sofia at Diego hindi bilang love team kundi bilang magkasintahan, pero hindi nila inaamin dahil nga hindi rin naman nila inaming nagkaroon sila ng relasyon in the first place.

Ang lagi lang nilang press release ay ‘good friends and we care for each other.”

Ang nakapagtataka lang, madalas pa rin silang mag-away kahit break na sila na naklaro lang nang makita namin si Sofia sa ABS-CBN valet parking nitong Miyerkules ng gabi.

Actually, Bossing DMB si Sofia nga ang bumati sa amin dahil naka-black hoodie kaya hindi namin nakilala.

“Okay naman po ako, Tita, galing lang po ako sa itaas (Star Magic),” kaswal niyang sagot nang kumustahin namin.

May boyfriend na ba siya, hirit namin.

“Non-showbiz po, nasa Australia po,” mabilis niyang sagot.

‘Ay, ganu’n, eh, di LDR (long distance relationship) kayo?’

“Opo, Tita Reggee.”

Hindi na namin pinalampas ang chance na maklaro ang tsika na lagi pa rin silang nag-aaway ni Diego.

“Opo,” sagot niya.

Ano’ng dahilan ng away nila?

“Selos po,” matipid niyang sabi.

‘Ano ang karapatan ni Diego para magselos, e, wala naman na kayo?’

“Ewan ko nga po ru’n,” kaswal na sagot uli ng dalaga.

A few months ago, nabanggit sa amin ng taga-production na dumalaw ang non-showbiz boyfriend ni Sofia sa shooting ng pelikulang Mama’s Girl at lagi raw nag-aaway ang ex-couple dahil nga sa selos.

May relasyon pa ba sila ni Diego that time kaya ito nagalit sa pagdalaw ng bagong boyfriend ng dalaga.

“Naku, Tita Reggee, eight months na po kaming hiwalay nang magkaroon ako ng boyfriend, hindi pa ba enough ‘yun?”

sagot ng aktres.

‘Yun naman pala, eh!

Inalam namin kay Sofia kung may bago na rin girlfriend si Diego.

“Ay, hindi ko po alam, ask n’yo na lang po siya, Tita,” mabilis na sagot sa amin.

Pero kami na ang magsasabing meron, dahil nakita naming kasama ito ni Diego sa panonood ng pelikulang Kita Kita sa Robinson’s Magnolia na pilit niyang itinatanggi at sinabihan pang ‘fake news’ daw iyon.

Hello, Diego marami kaming nakakita sa long hair at matangkad na girl na kasama mo at pareho pa kayong nakasuot ng black hoodie at pinauna mo lang siyang pumasok para hindi halata, kasi nga umeere pa ang Pusong Ligaw that time.

Hay naku!