Chris Banchero vs Mike Cortez (PBA Images)
Chris Banchero vs Mike Cortez (PBA Images)

Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

4:30 n.h. -- Kia vs TNT

7:00 n.g. -- Phoenix vs Alaska

MAPATATAG ang katayuan sa ratsadahan ang target ng Alaska sa pagsabak kontra Phoenix sa tampok na laro ng double-header ng 2018 PBA Philippine Cup ngayon sa MOA Arena sa Pasay.

Malalaman ngayon kung kaninong panig magsisilbing bentahe ang “familiarity factor “ sa unang pagkakataon na magkakaharap ang dating magkakasama sa coaching staff ng Aces na sina Alex Compton at ngayo ‘y Fuel Masters headcoach at assistant coach na sina Louie Alas at Topex Robinson, ayon sa pagkakasunod.

Itataya ng Aces ang pagkakaluklok nila sa solo second spot hawak ang barahang 4-2, sa naitalang four-game winning streak.

Gagamitin namang buwelo ng Fuel Masters ang 87-82 panalo na naiposte nila nitong Biyernes kontra Barangay Ginebra upang makapagsimula ng winning run.

Muling sasandig ang Aces kina Vic Manuel, JV Casio, Kevin Racal, Chris Banchero at rookie Jeron Teng para sa target na ikalimang sunod na panalo. Hindi pa malinaw kung makalalaro si Calvin Abueva na lumiban sa nakalipas na laro ng Alaska bunsod ng personal na dahilan.

Sa kabilang dako, magsisikap namang umangat ng Phoenix mula sa kinalalagyang five-way tie sa ikatlong posisyon taglay ang patas na markang 3-3, kasama ng Globalport, Ginebra, Rain or Shine at TNT Katropa na sasabak sa unang laro ganap na 4:30 ng hapon kontra Kia.

Inaasahang muling mamumuno sa Fuel Masters sina Jeff Chan, PBA Press Corps Player of the Week na si Willie Wilson, Matthew Wright at rookie Jason Perkins.