Xian at Kim copy

Ni Jimi Escala

NAKAUSAP namin si Ms. Tere Perez, ang businesswoman na isa sa mga namumuno sa loyal fans ni Xian Lim.

Ayon kay Ms. Tere, mahirap na desisyon para kay Xian ang paglipat from Star Magic to Viva Artists Management.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“We know it’s a tough decision for him. But for sure he thought about it a lot and he knows what he’s doing,” sey ni Tere.

Kaya masayang-masaya sila para kay Xian. Lahat ng fans ni Xian ay nagkakaisa sa anumang plano ng actor sa career niya.

“Really, we are all happy for Xian. He is very talented so for sure he will shine wherever he is and given the right project at the right time,” aniya.

Suportado pa rin nila ang love team nina Kim Chiu at Xian kahit wala pang bagong project.

“As for KimXi naman kasi, eh, wala rin naman silang projects together for a long time now and yet they spent so much time together, so okey na rin naman yun sa amin yun for now. But hopefully soon they will have some good, dream projects together kasi Xian prefers to stay with ABS-CBN Channel 2,” lahad ng negosyante.

“Well, we wish both of them all the best naman always. Basta we’ll always be here for both of them and we will support them together and individually naman po.”

Wala ring problema sa fans club nila kung paghihiwalayin man sina Kim at Xian.

“Di rin naman sila magka-love team now. Gusto namin siyempre magka-projects sila together kahit hindi magka-love team. Sa amin naman, eh, ibigay na lang natin sa mga youngstars ‘yung love team. Ang sa amin lang, eh, gusto naming na mag-evolve din naman sila bilang mga mature actor and actress and magawa nila ‘yung mga dream projects nila.”

Para sa kanila, forever na sila for Xian and Kim.

“Ang KimXis, eh, nandito kami palagi, di na kami mawawala para sa dalawa. Sabi nga ni Xian sa amin nu’ng dumalaw kami noon sa shooting ng Everything About Her, sana daw umabot din kami kahit na kalahati lang ng naabot na anniversary ng Vilmanians,” natawang pagtatapos ni Ms. Tere Perez.