chess copy

MAGSASAGAWA ng simultaneous chess exhibition ang tinaguriang ‘chess wiz kid’ na si Al Basher ‘Basty’ Buto bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-45 taon ng pagkakatatag ng International Baptist College (IBC) sa Barangay Malamig, Mandaluyong City.

Ang selebrasyon ay bahagi sa layuning makapagbigay ng masayang programa para sa mga estudyante, faculty at empleyado,

“Masaya po ako at proud at napili nila akong magsagawa ng simul chess,” pahayag ng Grade 2 pupil ng Faith Christian School sa Cainta, Rizal at isang Maranaw mula sa Marawi City.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Si Al Basher ay naka schedule na makapag courtesy call kay International Billiards champion and Snooker champion Marlon “Marvelous” Manalo ngayung Miyerkoles bago ang rare simultaneous chess exhibition.

“We are happy to have Al Basher in this event. He represents the future of Philippine chess,” sabi ni Manalo.

Kilala sa tawag na Basty sa chess, umarya si Al Basher sa pagkopo ng five golds at one silver medals sa 18th Association of Southeast Asian Nation Age Group Chess Championship na ginanap sa Grand Darul Makmur Hotel sa Kuantan, Pahang, Malaysia mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, 2017.

Tinapos ng Team Philippines ang supremacy ng Vietnam sa Asean region tungo sa pagkopo ng over-all championships na may 83 golds, 37 silvers at 29 bronze medals.