Ni Bella Gamotea

Tadtad ng saksak at wala nang buhay nang madiskubre ng ginang ang kanyang mister sa tapat ng kanilang bahay sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Rolyn Macabacyao y Rosas, 33, construction worker, nakatira sa Purok 15, Barangay Tanyag ng nasabing lungsod.

Sa ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), nadiskubre ni Vilma, misis ni Macabacyao, ang bangkay ng biktima sa tapat ng kanilang bahay, dakong 3:00 ng madaling araw.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Napag-alaman na lumabas sa bahay ang biktima upang magpahangin nang sumulpot ang hindi pa nakikilalang armado at makailang beses sinaksak si Macabacyao.

Mabilis na tumakas ang suspek sa hindi batid na direksiyon, bitbit ang patalim na ginamit sa krimen.

Patuloy ang pangangalap ng ebidensiya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.