Magdadaos ang Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes ng ikatlong public hearing sa isyu kung dapat bang ipagpapaliban o hindi ang May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Mindanao.

Gaganapin sa Cotabato City, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na mahalaga ang resulta ng kanilang huling public hearing sa pagbuo nila ng desisyon dahil ang naunang dalawang public consultations ay nagpakita ng magkaibang resulta.

“With the results of the Public Consultations being more or less split down the middle on whether the BSKE 2018 should be postponed in areas currently under Martial Law, the outcome of the third consultation will be vital to the Comelec’s decision making,” aniya sa panayam.

Kung sa public hearing sa Zamboanga City maraming kalahok ang kumontra sa postponement, ang public consultation naman sa Cagayan de Oro City ay nagresulta sa mas maraming pabor sa pagpapaliban sa BSKE.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dahil dito, muling idiniin ni Jimenez ang kanyang panawagan sa publiko na makilahok sa pagdinig, sa mismong pagdalo sa hearing, o pagsumite ng kanilang verified position paper sa Comelec.

Sinabi ni Jimenez na mahalagang ma-verify nila na naririyan ang mga kondisyon para sa malaya at patas na halalan sa kabila ng umiiral na Martial Law sa Mindanao. - Leslie Ann G. Aquino