Caroline Wozniacki (AP Photo/Andy Brownbill)
Caroline Wozniacki (AP Photo/Andy Brownbill)

MELBOURNE, Australia (AP) — Nasa pahina na ng Grand Slam history si Caroline Wozniacki.

Matapos ang 43 Grand Slam tournaments at dalawang kabiguan sa championship round, isa nang ganap na Grand Slam champion si Wozniacki nang gapiin si Simona Halep sa makapigil-hiningang 7-6 (2), 3-6, 6-4 desisyon sa Australian Open final nitong Sabado (Linggo sa Manila).”One of the most positive things about all of this — I’m never going to get that question again,” pahayag ng 27-anyos na si Wozniacki,

“Obviously adding a Grand Slam to my CV is what caps it off ... shows my whole career as a whole,” aniya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inaasahang makokopo niya rin ang No.1 ranking sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang anim na taon.

“I know that today is a tough day,” pahayag ni Wozniacki. “I’m sorry I had to win today but I’m sure we’ll have many matches in the future. Incredible match, incredible fight. And again, I’m sorry.”