Cousins, babu na sa All-Star Game; Bucks at Sixers, tumatag
NEW ORLEANS (AP) — Halos isang linggo matapos mapabilang sa All-Star starter, posibleng tapusin ni DeMarcus Cousins ang kabuuan ng season sa bench.
Nagtamo ng injury sa paa ang 6-11 forward nang tangkang habulin ang bola mula sa mintis na free throw may12 segundo ang nalalabi sa dikitang 115-113 panalo ng New Orleans Pelicans kontra sa Houston Rockets nitong Biyernes (Sabado sa Manila).
Ayon sa isang source na malapit sa Pelican team physicians, napunitan ng muscle sa kaliwang ‘achilles’ si Cousins na posibleng maging dahilan nang mahabang pamamahinga.
Hiniling ng naturang source sa AP na huwag ipabanggit ang kanyang pangalan dahil wala pang inilalabas na opisyal na resulta ang Pelicans sa MRI examinations.
Ngunit, nauna nang nailathala ng Yahoo ang inisyal na pagsusuri sa injury ni Cousins.
Nagtumpok si Cousins ng 15 puntos, 13 rebounds at 11 assists bago na-inury, habang nanguna si Anthony Davis sa Pelicans na may 27 puntos para sa ikaapatna sunod na panalo.
“We were just figuring everything out. That’s the tough part,” pahayag ni Davis. “We’ve got to keep going and just keep finding a way to win.
“We’ve got enough guys in here who are professionals who are always ready when their number’s called, so we’ve got to make sure that we stay locked in.”
Nag-ambag si Jrue Holiday ng 21 puntos sa Pelicans.
“Right now, just praying everything’s OK with Cousins,” pahayag ni Holiday.
“Just unfortunate, really. I think we’ve been doing really well, got in a great groove. The way we’ve been playing, and him in particular, has been awesome.”
SIXERS 97, SPURS 78
Sa San Antonio, naitala ng Philadelphia 76ers ang matikas na kampanya laban sa Spurs.
Nagwagi sila sa San Antonio at winalis ang serye laban sa five-time NBA champions ngayong season.
Hataw si Ben Simmons sa naiskor na 21 puntos, habang kumana si Joel Embiid ng 18 puntos at 14 rebounds, para tuldukan ang 13-game losing streak sa San Antonio.
“We’re happy, we won,” sambit ni Simmons. “We’re playing well. We’re playing good team basketball.”
Naging ikalawang koponan ang 76ers mula sa Eastern Conference na nagwalis sa Spurs ngayong season. Naunang nagawa ito ng Indiana Pacers sa nakalipas na linggo.
Mula noong 2004, hindi pa natatalo ng Sixers ang Spurs sa San Antonio. Ngunit, iba ang bangis ngayoin ng Philadelphia, sa pangunguna nina Embiid at Simmons.
Nanguna si LaMarcus Aldridge Sa Spurs sa natipang 18 puntos.
KNICKS 107, SUNS 85
Sa Phoenix, dinomina ng New York Knicks, sa pangunguna ni Enes Kanter na kumana ng 20 puntos, ang Phoenix Suns.
“Most teams cash that last one in because they are ready to go home,” pahayag ni New York coach Jeff Hornacek. “Our guys didn’t.”
Nagsalansan sina Kristaps Porzingis ng 19 puntos at Tim Hardaway Jr. na may 15 puntos para sa ikalawang sunod na panalo ng Knicks na nagmula sa seven-game trip. Kumubra si Trey Burke ng 18 puntos.
“They really got after it. They made a concerted effort to really go out there every play,” sambit ni Knicks coach Jef Hornacek. “I told them after the game I don’t think there was one stretch of a two-minute period where we let up.”
Nanguna si J. Warren sa Phoenix na may 20 puntos at si Josh Jackson na may 18 puntos.
Napatalsik sa laro si Suns’ star Devin Booker nang matawagan ng dalawang technical foul may 4:03 ang nalalabi sa third quarter. Kumana lang siya ng 12 puntos sa 4-of-12 shooting.
BUCKS 116, NETS 91
Sa Milwaukee, kumubra si Giannis Antetokounmpo ng 41 puntos at 13 rebounds sa panalo ng Milwaukee Bucks kontra Brooklyn Nets.
Kumamada si Khris Middleton ng 21 puntos sa Bucks sa ikalawang sunod na panalo mula ng sibakin ang kanilang coach na si Jason Kidd nitong Lunes.
Kumana sina DeMarre Carroll at D’Angelo Russell na may tig-14 puntos para sa Nets.
Nahila ng Milwaukee ang 26-puntos na abante sa first-half.
Sa iba pang laro, pinataob ng Los Angeles Clippers, sa pangunguna ni Lou Williams na may 40 puntos, ang Memphis Grizzlies, 109-100; naungusan ng Portland TrailBlazers ang Dallas Mavericks, 107-93.