PO2 Cyrelle Bayate, assigned at the Parian Police Station of the Cebu City Police Office and Lemuel Pogoy, a municipal councilor of Cordova covers their faces as they were presented to the members of the media in the Police Regional Office-7 in Cebu City on January 26, 2018 after they were caught by  operatives of Cebu City Police Office and Lapu Lapu City City Intelligence Branch playing in a casino in Lapu Lapu City. (Photo by: Juan Carlo de Vela) mbnewspictures /mbnewspix

Ni MARTIN A. SADONGDONG

Arestado ang isang pulis at isang konsehal makaraang maaktuhan umanong naglalaro sa casino, sa magkahiwalay na operasyon sa Cebu City.

Kinilala ni Supt. Reyman Tolentin, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-7, ang mga inaresto na sina PO2 Cyrelle Marie Bayate, 30, nakatalaga sa Cebu City Police Station 1 sa Barangay Pari-an; at Lemuel Pogoy, konsehal ng Cordova sa Cebu.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nadakip sina Bayate at Pogoy ilang araw makaraang magbanta nitong Miyerkules si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na ipinagbabawal sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan ang maglaro sa mga casino.

Sa panayam sa telepono, sinabi ni Senior Supt. Julian Entoma, acting director ng Cebu City Police Office, na inaresto ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division (RID) si Bayate habang naglalaro umano sa casino ng isang hotel sa Cebu City bandang 1:00 ng umaga nitong Biyernes.

Samantala, Huwebes naman nang maaresto si Pogoy ng mga operatiba ng RID at Lapu-Lapu City Intelligence Unit, bandang 11:00 ng gabi, habang naglalaro sa slot machine ng isang hotel and casino sa Lapu-Lapu City.

“Kilala naman itong mga taong ito at may intelligence report tayo sa kanila,” ani Senior Supt. Entoma. “Binalaan na sila na dapat sundin talaga ang rules and regulations, dahil kahit saang gambling areas, sabungan o casino, ang order ay bawal at talagang huhulihin sila.”

Sinabi ni Senior Supt. Entoma na dapat na magsilbing babala ang pagkakadakip sa pulis at sa konsehal na seryoso ang pagbabawal ng pamahalaan sa mga tauhan nito na maglaro sa mga casino, at masangkot sa iba pang ilegal na aktibidad.

Kinumpirma naman ng Cebu City Police Office na sinibak na sa kanyang puwesto si Bayate, na pitong taon na sa serbisyo.

Kapwa sasampahan ng mga kasong kriminal at administratibo sina Bayate at Pogoy.