Ni Fer Taboy

Sinibak sa puwesto ang jail warden, deputy warden, at tatlong iba pang opisyal ng bilanggo matapos na mabunyag na isang bilanggo ang namatay sa loob ng Bago City Jail sa Negros Occidental dahil sa pambubugbog noong nakaraang linggo.

Sinibak sa puwesto sina Warden Alexander Sy, Deputy Warden Humar Joseph Ginete, at tatlong iba pa habang iniimbestigahan ang pagkamatay ni Rene Boy Alvarez, na napaaway umano sa ilang bantay at preso sa Bago City Jail.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na pinagtulungan umano ng mga preso ang kalilipat lang na si Alvarez, matapos umano nitong suntukin ang dorm coordinator habang nagbibigay ng standard briefing.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Natukoy sa autopsy report na namatay si Alvarez dahil sa mga tinamong sugat sa ulo at dibdib.

Batay sa record ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), nakulong si Alvarez sa mga kasong attempted murder, illegal possession of firearms, illegal possession of explosives, at direct assault.

Iginiit naman ng mga hindi kinilalang pulis na madalas umanong ilipat ng kulungan si Alvarez dahil lagi umano itong pinagmumulan ng away ng mga kapwa bilanggo.