Ni Light A. Nolasco

SAN LEONARDO, Nueva Ecija - Kapwa nasawi ang dalawang motorcycle rider makaraang magkabanggaan ang kanilang mga motorsiklo sa Maharlika Highway sa Barangay Diversion sa San Leonardo, Nueva Ecija, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing sina Edilberto Navarro, 19, binata, ng Bgy. Lanman, Candaba, Pampanga; at Florante Tomas, nasa hustong gulang, may asawa, residente ng Bgy. Poblacion East ng Science City of Muñoz.

Ayon sa pulisya, bandang 10:40 ng gabi at sakay si Navarro sa kanyang ni pulang Honda Wave 100 motorcycle (3051-CA) pahilaga nang makasalpukan ang itim na Honda CBR (6062-XO) ni Tomas na patungo naman sa Gapan City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nabatid sa pagsisiyasat ng pulisya na walang driver’s license si Navarro.