Ni NORA CALDERON

MARAMI ang humanga kay Janine Gutierrez sa grand presscon ng Sherlock Jr. na magtatampok sa kanila nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

Janine Gutierrez (3) copy copy

Nang ipalabas kasi ang full trailer ng serye, nakitang namatay agad sa istorya si Janine at baka hindi siya abutin ng one week sa show. Hindi ba niya kinuwestyon ang role na ibinigay sa kanya?

Human-Interest

Anak na napahagulgol sa regalong bagong panty ng Mama niya, kinaantigan

“Ikinuwento po nila sa akin kung ano at sino ang character na gagampanan ko,” sagot ni Janine. “Special participation po pero sa akin iikot ang story. Nagandahan po ako sa role at hindi po naman problema sa akin kung maliit o malaki ang role ko. In fact, sa ilang araw na taping po namin nag-enjoy ako dahil lagi kong kasama ang isa pang bida sa story, si Serena o si Siri, ang golden retriever na alaga ko at later on, after kong namatay ay mapupunta kay Ruru.

Silang dalawa ang magkatulong na tutuklas kung sino ang nagpapatay sa akin.”

Magkasintahan sa simula pa lamang ng story sina Janine at Ruru, pareho silang matapang na investigative reporters na handang ibuwis ang buhay para lamang ma-solve ang assignments nila. Sasali sa isang beauty contest si Irene (Janine) para tuntunin ang report na puno ito ng corruption at immorality. Hindi niya alam na natapakan niya ang crooked senator, played by Tonton Gutierrez at siyang magiging dahilan ng maaga niyang kamatayan. Ito ngayon ang magkatulong na iso-solve ni Jack (Sherlock Jackson Jr.) at ni Siri, sa tulong ng bagong girlfriend ni Jack na si Lily Pelaez (Gabbi).

Hindi na nga lamang nakausap nang matagal si Janine dahil may maaaga siyang flight to Taiwan para sa taping ng anniversary episode ng Day Off na hino-host nila ni Ken Chan.

Ang Shelock Jr. ay mula sa direksiyon ni Rechie del Carmen at mapapanood na simula sa Monday, January 29, pagkatapos ng 24 Oras.