gomez copy

Ni Gilbert Espeña

PINAGBIDAHAN ni Filipino cue master Roberto “Pinoy Superman” Gomez ang katatapos na Derby City Classic 10-Ball Pool Championship na ginanap nitong Martes sa Horseshoe Southern Indiana sa Elizabeth, Indiana, USA.

Giniba ni Gomez si Feder Gorst ng Venezuela, 11-10, sa finals kaya naibulsa ang $16,000 top purse habang nakamit naman ni Gorst ang $8,000 runner-up prize.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakapasok si Gomez sa finals matapos daigin sina Ronato Alcano ng Pilipinas, 11-10, Joshua Filler ng Germany, 11-6, sa early rounds at Mika Immonen ng Finland, 11-10, sa semifinals.

Sa kanyang tagumpay, binati si Gomez ng kanyang long-time friend na dati ring manlalaro ng bilyar na si Marlon “Marvelous” Manalo na kapitan ngayon ng Barangay Malamig sa Mandaluyong City.

“Magandang simula para sa mga billiards player ng ating bansa ang performance ni Gomez,” ani Manalo. “Umaasa akong magpapatuloy ang ating tagumpay sa bilyar lalo’t natamo ni Carlo Biado ang 2017 World 9-Ball Championships sa Doha, Qatar nitong Disyembre.”