Chris Ross (PBA Images)
Chris Ross (PBA Images)

Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

4:30 n.h. -- Meralco vs Kia

7:00 n.g. -- Globalport vs San Miguel Beer

MAPANATILI solong liderato at ang imakuladang marka ang asam ng defending champion San Miguel Beer sa pagsagupa sa rumaratsadang Globalport sa tampok na laro ng double header ngayon sa 2018 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Magtutunggali ang Batang Pier at ang Beermen ganap na 7:00 ng gabi pagkatapos ng unang salpukan ganap na 4:30 ng hapon sa pagitan ng mga kasalukuyang cellar dweller Meralco at Kia Picanto.

Huling nagwagi ang Beermen, naghahangad ng kanilang ikalimang sunod na panalo, kontra sa NLEX Road Warriors, 109-98, nitong Sabado sa Cuneta Astrodome kung saan nagkaroon ng komprontasyon sina NLEX coach Yeng Guiao at SMB guard Chris Ross.

Pinagmulta si Guiao ng P11,000 dahil pag-ngarat kay Ross, ngunit nakaligtas ito sa posibleng mas malaking multa kung napatunayan na nagbigay siya ng ‘racist comment’.

Para naman sa Batang Pier, sasakyan ng mga ito ang momentum ng naitalang dalawang sunod na panalo, pinakahuli ang 101-74 na paggapi sa Blackwater nitong Biyernes.

Tatangkain ng Globalport na kumalas mula sa pagkakatabla nila ng Ginebra sa ika -apat na puwesto taglay ang patas na markang 2-2.

Sa unang laban, magkataliwas ang kapalaran sa nakaraan nilang laro, iiwas namang malaglag sa buntot ng team standings ang magkatunggaling Meralco Bolts at Kia Picanto.

Inaasahan ni Picanto coach Ricky Dandan na magsisilbing pundasyon sa isinasagawa nilang rebuilding process sa kanilang koponan ang naitalang 98-94 na panalo kontra Elasto Painters.