Ni Gilbert Espena

GINAMIT ni Grandmaster Darwin Laylo ang matikas na simula para talunin si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna, 6.5-4.5, sa kauna-unahang Philippine Chess Blitz Online Face Off Series nitong Linggo na tinaguriang “Grandmaster Showdown” sa Alabang Hills Village, Alabang, Muntinlupa City.

Nailayo agad ng many-time Olympian member ang 5.5-2.5 na kalamangan para magapi ang multi-titled na katunggali.

Subalit, nagawang makabawi ni Frayna nang makuha ang magkasunod na panalo para matapyas ang kalamangan ni Laylo ng isang puntos, 5.5 - 4.5, na may dalawa pang larong nalalabi..

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa game 11, nakamit ni WGM Frayna ang winning advantage at sa panic time ay nakopo niya ang pawn subalit nag launch ng counter-attack si Laylo sa open c-file.

Ayon kay tournament organizer Philippine Executive Chess Association (PECA) founding president Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, ang Laylo-Frayna Philippine Chess Blitz Online Face Off ay best seller dahil nagkaroon ng 1,000 views matapos ang 24 oras.

Ginapi naman ni Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. si Fide Master David Elorta, 7-5, sa kanilang “Grudge Match”.