Ni Leonel M. Abasola

Dapat na ipaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung ano ang naging batayan nito sa paglimita sa hanggang 45,000 unit ng Grab at Uber na maaaring ipasada sa Metro Manila.

Limitado lang din sa 500 ang maaaring mamasada sa Metro Cebu, at 200 naman sa Pampanga.

Ayon kay Senator Grace Poe, hindi niya maintindihan kung ano ang naging batayan ng LTFRB sa nasabing direktiba nito, at kung mayroong konsultasyon sa pagitan ng mga kinatawan ng Grab at Uber, gayundin sa mga pasahero.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“What’s the math used in this decision? What were the parameters used, like demand and supply? In this age of algorithms, LTFRB should make public the factual basis of its decision. Ilabas nila ang minutes ng meetings and consultations para alam ng publiko,” ani Poe.

Nilinaw ni Poe na hindi niya kinukuwestiyon ang desisyon ng LTFRB, kundi nais niyang mabatid ang aktuwal na pag-aaral o research na pinagbatayan ng ahensiya sa naging direktiba nito.

“If the most important components in the ride-sharing business, the customers, ‘yung mga suki, were consulted? Meron bang survey? Tinanong ba sila? Nakuha ba ang pulso ng mga taong unang maaapektuhan ng bagong patakaran?” sabi pa ni Poe.