Ni Yas D. Ocampo

DAVAO CITY - Tatlumpu’t pitong katao ang nasugatan makaraang sumalpok sa isang hardware store ang sinasakyan nilang bus nang pumalya ang preno nito at bumangga sa apat pang sasakyan sa Barangay Buhangin sa Davao City, nitong Linggo.

Walang nasawi sa aksidente, na nangyari bandang 11:00 ng umaga.

Nabatid sa pulisya na posibleng nawalan umano ng preno ang bus hanggang sumalpok sa Davao TLCO Hardware sa gilid ng Diversion Road, at sa apat pang sasakyan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kabilang sa 37 nasugatan ang bus driver na si Diosdado Sabay, gayundin ang kanyang konduktor.

Bumibiyahe ang bus mula sa Tagum City sa Davao del Norte.

Kaagad na rumesponde ang Central 911 at isinugod ang 37 biktima sa Southern Philippines Medical Center.