Asahan ng mga motorista ang napipintong oil price hike sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 40 hanggang 50 sentimos ang kada litro ng diesel at kerosene, habang 30-40 sentimos naman sa gasolina.

Ang nagbabadyang price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Ito na ang ikaapat na sunod na linggo na tumaas ang presyo ng petrolyo; umabot na sa P1.75 ang nadagdag sa presyo ng diesel, habang P1 naman sa gasolina.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Hindi pa kasama sa serye ng price hike ang bagong excise tax sa petrolyo, na inaasahang ipatutupad na sa susunod na linggo. - Bella Gamotea