Maagang nagkaroon ng aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit Line (MRT)-3 at dahil dito ay aabot sa 200 pasahero ang pinababa sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), dakong 6:14 ng umaga nang magkaroon ng electrical failure ang motor ng isang tren ng MRT-3 sa southbound ng North Avenue kaya napilitan silang pababain ang mga pasahero.

Wala namang nagawa ang mga pasahero kundi mag-abang sa susunod na tren, na dumating makalipas ang anim na minuto.

Hinatak pabalik sa depot ang nagkaaberyang tren, habang muling humingi ng paumanhin ang DOTr sa mga naperhuwisyong pasahero. - Mary Ann Santiago

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso