LOS ANGELES AFP) – Dumagsa ang mga nagpoprotesta sa mga lansangan sa buong United States nitong Sabado, bitbit ang anti-Donald Trump placards para sa ikalawang araw ng Women’s March laban sa president -- eksaktong isang taon sa araw ng kanyang inagurasyon.

Daan-daan libo ang nagmartsa sa Los Angeles, New York, Washington, Chicago, Denver, Boston at iba pang mga lungsod sa buong bansa, na nakasuot ng pamosong pink knit ‘’pussy hats’’ -- tumutukoy sa videotape ni Trump na ipinagmamalaki ang lisensiya niya na hipuan ang mga babae nang walang pananagutan.

Nagtaas ang mga nagpoprotesta ng mga slogan gaya ng ‘’Fight like a girl’’, ‘’A woman’s place is in the White House’’ at ‘’Elect a clown, expect a circus.’’

Pinakamarami ang nagprotesta sa mga lungsod na mababa ang popularidad ni Trump sa mga survey: sinabi ng Los Angeles mayor na 600,000 ang nagmartsa sa lungsod, habang tinaya ng New York police ang halos 200,000 nagpoprotesta.

Internasyonal

Eroplano sa Brazil, tinamaan ng ibon; nabutas!

Kabilang sa mga nagsalita sa rally sa New York ang aktibista at aktres na si Rosie Perez at entertainer na si Whoopi Goldberg, na binigyang-diin na ‘’we are here to say -- as women -- we’re not taking it anymore.’’