Ni REGGEE BONOAN

CURIOUS ang reporters kay Agot Isidro na sa edad 51 ay wala pa ring bagong karelasyon, pero halatang inspired at masaya pa rin sa buhay.

“Kaya wala rin akong dyowa kasi dense ako!” tumatawang pag-amin niya.

May nagtanong kung may posibilidad bang magkabalikan pa sila ng ex-husband niyang si Manu Sandejas (pitong taon na silang hiwalay).

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“It’s 2018, gusto ko bago naman lahat. Leave the past behind. Kailangan move forward. And siguro, that’s my way of moving forward. I’d like something new or maybe someone new,” 

malumanay pero diretsong sagot ni Agot.

Eksperimento para sa kanya ang karakter niya sa Changing Partners na nagkaroon ng relasyon sa lalaking younger sa kanya at sa lesbian. Kaya natanong ang aktres kung posible bang makipagrelasyon siya sa kapwa babae sa totoong buhay.

“Choice ‘yan, eh. I don’t judge anyone sa gender choice or preference. ‘Yung sa akin, girl na girl ako, eh,” pahayag ng aktres.

May nagparamdam na bang lesbian sa kanya.

“Kasi dense ako sa mga ganyang bagay. Hindi ako nakakaramdam ng ligaw. Hindi ako asyumera. Siguro nagpapahiwatig sila, na dinededma ko lang, sa kanila panliligaw na. So, siguro may nanligaw, hindi ko lang naramdaman.

“Kasi medyo dumb ako sa mga ganyan. Kailangan sinasabi mo sa akin na, ‘Uy, nililigawan na kita.’ Wala pa, sa aking pag-iisip,” paliwanag ni Agot.

Pero klinaro ng aktres na marami siyang kaibigang LGBT (lesbian, gay, bisexual, and transgender) sa industriya.

“I have very strong relations, relationships, friendships with any of the sexes or gender. Ang dami na ngayon, eh.

Meron pang questioning, merong LGBT, may fluid, may pansexual,” aniya.

“Hindi ako judgmental sa ganu’ln. I really don’t see any problems having friendships or good relations with all genders. Pero sa aking gender, sure ako (babae ako),” pagtatapos niya.

Kaya marami ang bumilib kay Agot na tinanggap niya ang karakter sa Changing Partners na may sexual relationship sila ni Anna Luna sa pelikula.