NAKASAMPA sa huling biyahe ng NCR Qualifiers ng Philippine Collegiate Champions League (PCCL) ang San Sebastian Stags nang gapiin ang Colegio de San Lorenzo Griffins, 90-85, nitong Huwebes sa Jose Rizal University Gymnasium sa Mandaluyong City.

Matikas na naghamok ang magkaribal at hindi umabot sa double digits ang palitan ng bentahe. Naisalpak ni Michael Calisaan ang free throws para sa 83-79 bentahe may 1:24 sa laro.

Nanatiling nasa laban ang CDSL at nagawang makadikit sa 86-85 matapos ang three-pointer ni Jan Dominic Formento, ngunit nagpakatatag ang Stags sa free throw line para selyuhan ang panalo.

Bunsod ng panalo, nakakuha ang Stags ng slots sa PCCL Elite Eight kung saan ang top-ranked squads ay magtututos sa single elimination tournament para malaman ang natatanging National Champion.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA