Ni Marivic Awitan

NAKASALO sa liderato ng women’s titlist Arellano University ang San Beda College matapos nitong pataubin ang Mapua kahapon, 25-23, 25-14, 22-25, 25-15 sa pagpapatuloy ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Umiskor ng 19-puntos na kinabibilangan ng 17 hits si skipper Cesca Racracquin habang nagposte ng 14-puntos at 13-puntos sina Nieza Viray at Trisha Paras, ayon sa pagkakasunod para pamunuan ang Lady Red Spikers sa pag-angkin ng kanilang ika-apat na sunod na panalo.

Nag -iisa namang tumapos na may double digit para sa Lady Cardinals si Dianne Latayan na may 10 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bunga ng kabiguan, nalugmok ang Mapua sa ilalim ng team standings sa kabaligtarang marka na 0-4, kasalo ng Emilio Aguinaldo College.

Nauna rito, sinolo naman ng Red Spikers ang ikalawang puwesto sa men’s division sa likod ng mga namumunong Arellano at University of Perpetual (4-0) matapos makamit ang ikatlong panalo sa pamamagitan ng 25-18, 28-26, 26-28, 25-20 paggapi sa Cardinals.

Nagsalansan ng game-high 25-puntos si Mark Christian Enciso na kinabibilangan ng 22 hits at 2 blocks bukod pa sa 7 digs upang pangunahan ang San Beda sa pag -angat sa3-1karta.

Nag -ambag naman ng 15 puntos maliban sa 22-excellent receptions si Jomaru Amacan para sa Red Spikers habang Pinangunahan naman ni Angelino Pertierra ang Cardinals na lumugso sa patas na barahang 2-2 sa itinala nitong 15-puntos.