Ni Gilbert Espeña

WINALIS ni Alexis Maribao ang lahat ng kanyang nakatunggali tungo sa pagtala ng walang gurlis na 7.0 puntos sa pagsikwat ng titulo ng 2nd edition ng First City Providential College (FCPC) 2150 and Below Invitational Non Master Rapid Chess Tournament kamakailan sa Brgy. Narra, Francisco Homes Subdivision sa San Jose Del Monte City,Bulacan.

Kinuha naman ni Juan Carlos Presente ng Arellano University ang solong ikalawang puwesto na may 6.0 na puntos habang nalagay sa ikatlong puwesto si Rogelio Esmane na may 5.5 puntos.

Magkasalo sa ika-4 hanggang ika-7 puwesto na may nakamadang tig 5.0 puntos sina Michael Linde, John Lee Antonio, Genghis Katipunan Imperial at Ricky Echala sa one-day event na inorganisa nina national arbiter Joey “Joie” Presente at Mam Star O. Simon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasa ika-8 hanggang ika-10 puwesto naman na may tig 4.5 puntos sina Ferdie Ugale, Hans Ezekiel Olorosisimo at Bobby Gempis.Naiuwi naman ni Jhulo Goloran ang top high school award habang ibinulsa naman ni Chrose Edward Vito Cruz ang top elementary school award.