Ni Nitz Miralles

NGAYONG araw (Sabado, Enero 20), ang concert ni Alden Richards sa Evan Theater Panthers Penrith sa Sydney, Australia.

Kasama niya si Betong Sumaya na mahusay ding performer, kaya siguradong masaya ang Alden Richards Live in Sydney.

BETONG AT ALDEN copy

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Pagdating nina Alden at Betong sa Sydney, nagkaroon ng presscon at nalamang may fans ang aktor galing sa UK, USA at Canada na pumunta sa Sydney para lang makita siya, makapagpa-picture, magpa-autograph at makipagkuwentuhan.

May nag-post ng video sa rehearsal nina Alden at Betong at mapapanood na sinamahan ng laro at pakuwela ng dalawa ang rehearsal, kaya hindi naging boring.

Next week ang balik ni Alden from Australia at isa sa event niya na naka-schedule ang endorsement nila ni Maine Mendoza sa January 25, kung hindi kami nagkakamali, kaya excited na ang AlDub fans na makita na muling magkasama ang dalawa.

Anyway, ni-like ni Alden ang sexy picture ni Solenn Heussff na kita ang left thigh at pelvic. Wala pa kaming nababasang reaction ng ibang selosang fans ng AlDub at nakakapanibago na walang nam-bash kay Alden at kay Solenn.

Sana laging ganito, walang hanash para masaya lang.