Ni NORA CALDERON

LALONG sumasama ang character ni Ryza Cenon as Georgia sa Ika-6 Na Utos ng GMA-7. Dumating ang kanyang character sa punto na wala na siyang sinisino, nagawa niyang saktan maging ang kapatid na si Geneva (Angelika dela Cruz) na siya na lamang tumutulong sa kanya, dahil sa galit niya kay Emma (Sunshine Dizon) at sa obsession niyang mabawi si Rome (Gabby Concepcion).

ryza_dressflower copy copy

Hindi ba niya inirereklamo sa production ang sobrang kasamaan ng kanyang character?

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Hindi po naman, in fact, kapag may bago akong gagawin based sa script, parang natsa-challenge pa ako lalo,” napangiting sagot ni Ryza. “Siguro po nasanay na ako dahil for one year, nang magsimula ang aming serye, walang pagmamaliw ang kasamaan ni Georgia. Pero pinag-aaralan ko ring mabuti ang gagawin kong atake sa eksena.

“Dumarating din po sa akin na baka tuluyan nang magalit sa akin ang viewers, kaya masaya na rin ako kung minsan, may eksenang medyo kalmado si Georgia, lalo na noong time na sila pa lang dalawa ni Rome at hindi pa nalalaman ni Emma ang totoo. Thankful naman po ako na may pumupuri rin na mahusay daw si Georgia.

“Kaya nagpasalamat po ako sa Viva Films at sa The Idea First Company na binigyan nila ako ng isang movie na ibang-iba ang character ko kay Georgia, sa Mr. & Mrs. Cruz. Binigyan din nila ako ng bagong leading man at si Direk Sigrid Andrea Bernardo. Bale ito po ang naging breather ko sa aking afternoon drama series. Nakatulong din sa akin ang ilang araw na nasa El Nido, Palawan kami sa pagsu-shooting at less stress sa mga eksena ang ginawa ko.”

Sa January 24 na ang showing ng Mr. & Mrs. Cruz pero hindi pa rin inire-reveal ng production kung bakit ganoon ang title ng movie. Kahit kasi sa full trailer, wala pang binanggit kung sino ba si Ryza at si JC, basta nagkita lamang sila habang nagbabakasyon sa El Nido, Palawan.

Pero muli nga raw mapapatunayan sa pelikulang ito ang kahusayan ni Direk Sigrid, pagkatapos ng kanyang blockbuster hit movie na Kita Kita.