MULING magkakasama sa isang koponan ang mga dating teammates na sina Gio Nicolo Lasquety, Jeckster Apinan, Jon Ervin Grospe at John Paolo Pontejos.

Ang apat na manlalaro ay inaasahang mangunguna sa koponan ng kanilang alma mater na Jose Rizal University na nakatakdang sumabak sa 2018 PBA D league Aspirants Cup na magbubukas ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Si Lasquety ang tatayong headcoach ng team habang reinforcement naman sina Apinan, at ang mga free agents na sina Gorospe at Pontejos kasama ang dating Emilio Aguinaldo College guard na si John Marco Tayongtong.

Makakasama nila ang mga mainstays ng Heavy Bombers sa NCAA na sina Jed Mendoza, MJ Dela Virgen, Aaron Bordon, Abdul Wadud Sawat at rookie Cameroonian center na si Michel Patrick Mvogo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bukod sa 6-foot-8 na si Mvogo , anim pang rookie bigmen na posible ring masama sa line-up sa darating na NCAA ang palalaruin ng Heavy Bombers sa D league na kinabibilangan nina 6-5 Leonardo Esguerra, 6-4 Jarvy Ramos, 6-5 Jhunmark Silvarez, 6-6 Aldrin Lobo at 6-6 Justine Padua.

Umaasa si JRU coach Vergel Meneses na makakatulong ang makukuhang karanasan ng koponan sa D League sa kanilang darating na kampanya sa NCAA.

Nakatakda ring bigyan ng exposure sa D League ng JRU ang iba pa nilang mga rookies na sina 6-2 slasher Aaron De Guzman, 6-0 Michael Perez, 5-10 Mark Yu at 6-2 bruiser Jomari Tubiano.

Makakasama ni Lasquety sa coaching staff sina Cholo Villanueva, Victor Escudero, George Ella, TonTon Sangco, Robert Cortez at Vic Lazaro habang magsisilbing consultant si Meneses.

Makaka-tie-up naman ng JRU sa kanilang partisipasyon sa D League ang Ginebra San Miguel .

Sisimulan ng Heavy Bombers ang kanilang kampanya sa susunod na Huwebes-Enero 24 kontra sa baguhang Mila’s Lechon sa pambungad na laban ganap na 1:00 ng hapon.