Ni JIMI ESCALA

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ini-reveal nina Billy Crawford at Coleen Garcia kung kelan ang wedding date nila.

Pero may binanggit naman si Billy na baka raw this summer ito maganap.

Tapos na nila ang kanilang pre-nuptial shoot sa Ethiopia at napagpipistahan na rin ang mga larawan ng kanilang titirhang bahay na ready na nilang lipatan after their wedding.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

BILLY AT COLEEN copy

Sabi ni Billy, hands-on sila ni Coleen sa preparations ng kanilang kasal.

“Super enjoy naman kaming dalawa sa ginagawa namin. Medyo mahirap lang pagsabayin sa trabaho ‘tapos mga preparations, at ‘yung iba pang dapat ihanda, pero enjoy naman. We are ready. Looking forward to it. Sobrang happy, sobrang excited ako. Grabe,” sey ni Billy.

Binanggit din niya na hindi naman sila nangangarag dahil medyo maaga pa nilang napaghahandaan ang wedding nila.

“Maaga rin naman kami nag-umpisa nito. Medyo one year naman ang preparations namin. Ang medyo nakaka-stress lang ‘yung guest list, eh. First, pareho kaming personalities, ayaw naming makasakit din ng ibang kasama sa trabaho.

“Pero ako rin naman, eh, ‘yung pamilya ko, medyo alam n’yo namang malayo, nasa ibang bansa, so, we really have to stress kung ilan at kung ganito ba o ganyan. Kasi hindi naman siya ganu’n kamura, I mean, ‘yung magpakasal.

“Kaya, nga we have to make it intimate and for people na talagang sumupota from day one sa relationship namin ni Coleen,“ sabi pa ng singer/actor/TV host.