Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Phoenix vs Rain or Shine

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

7:00 n.g. -- TNT Katropa vs Meralco

IKATLONG dikit na panalo ang pupuntiryahin ng Phoenix sa pakikipagtunggali sa Rain or Shine ngayong hapon sa unang salpukan sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2018 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Magtutuos ang Fuel Masters (2-1) at ang Elasto Painters (1-2) na taliwas ang kapalaran sa una matapos nitong sumadsad sa dalawang sunod na kabiguan makaraang ipanalo ang unang laro.

Kasunod nito, magtutuos sa tampok na laban ang TNT Katropa (1-2) at ang Meralco (1-2) ganap na 7:00 ng gabi.

Napahinga ng mahigit isang linggo matapos maitala ang 102-95 na panalo kontra NLEX noong Enero 7, sisikapin ng Fuel Masters na madugtungan ang nasabing tagumpay upang patuloy na makaangat sa standings.

Muling sasandigan ni bagong Phoenix coach Louie Alas upang masungkit ang inaasam na ikatlong panalo sina Fil -Canadian Matthew Wright, Jeff Chan, RJ Jazul at rookie Jason Perkins.

Sa kabilang dako, umaasa naman si coach Caloy Garcia na magagawang ipakita ng Elasto Painters ang tunay nilang laro partikular sa opensa.

“We were not performing the way we like. Problema talaga namin ang offense, “ ani Garciam bumagsak sa 0-2 nang magapi ng Globalport.

“I hope the team right now can wake up and realize that they can play, “ ayon kay Garcia.

Samantala sa ikalawang laro, mag-uunahang makabalik sa winning track ang Katropa at ang Bolts gaya ng hangad ng Elasto Painters na kasalukuyang kasalo nila sa ikalimang puwesto kasama ng Batang Pier upang makaakyat sa ika-4 na posisyon kasalo ng Alaska (2-2).