Hindi papatulan ni Presidential Spokesperson Atty. Hary Roque ang mga banat ni Atty. Ferdinand Topacio na diumano’y ginamit niya ang kanyang posisyon sa pag-lobby sa kaso ng napaslang na environmentalist at broadcaster na si Dr. Gerry Ortega.

Sa isang forum na dinaluhan ni Roque sa Cebu, binigyang-diin nito na ang Pangulo bilang tagapagpatupad ng batas ay hindi maaaring magbulag-bulagan lalo na kung mayroong mga anomalya sa pagpapatupad nito.

Ayon pa kay Roque, hindi naman niya itinago ang pagiging abogado niya sa kaso ni Ortega at alam ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Maalalang nagpahayag si Topacio na maaaring kasuhan si Roque ng graft dahil sa mga komento nito laban sa naging desisyon ng Court of Appeals (CA) sa kaso ni dating Palawan governor Joel Reyes na itinuturong utak sa pagpatay kay Ortega. - Beth Camia

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'