KERBER: Liyamado sa Australian Open.
KERBER: Liyamado sa Australian Open.

SYDNEY (AP) — Naitala ni Angelique Kerber ang ikasiyam na sunod na panalo ngayong season nang gapiin si Ashleigh Barty 6-4, 6-4 para makopo ang Sydney International title nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Naitala ni Kerber, 2016 Australian Open champion, ang apat na sunod na panalo sa singles matches sa Hopman Cup, kasunod ang limang panalo sa Sydney para sa kanyang ika-11 career title.

Sa Auckland, New Zealand, ginapi ni Roberto Bautista Agut ng Spain ang dating kampeon na si Juan Martin de Potro, 6-1, 4-6, 7-5, para masikwat ang ATP Tour’s ASB Classic sa ikalawang pagkakataon sa loob ng tatlong taon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nadaig ng fifth-seed na si Bautista Agut, kampeon dito noong 2016, ang second-seed na si Del Potro, ang 2009 champion, sa duwelo na umabot sa mahigit dalawang oras.

“It feels wonderful,” pahayag ni Bautista Agut. “It was an unbelievable match today. I’ve been fighting a lot on the court and I couldn’t believe I was playing my best tennis.

“Today I felt really good on the court and I played very good tennis throughout the match. Juan Martin is a great champion, he’s very tough to beat and I played two amazing games in the last two games of the match.”