NEW DELHI (AFP) - Natagpuan ng mga naghahanap ang dalawa pang mga bangkay mula sa nawasak na helicopter na bumulusok sa west coast ng India, iniakyat ang bilang ng mga namatay sa anim, sinabi ng mga opisyal kahapon.

Bumulusok ang helicopter nitong Sabado matapos lumipad mula sa Mumbai, ang financial capital ng bansa, sakay ang dalawang piloto at limang empleyado ng state oil at gas firm ng India na ONGC.

‘’So far the hospital has said that six bodies have been recovered from the crash. One person is still missing,’’ sabi ni BP Sharma, chairman ng state helicopter company na Pawan Hans na umarkila sa helicopter.

Nawalan ng contact ang helicopter sa air traffic control dakong 10:30 ng umaga halos 40 nautical miles sa west coast ng India sa itaas ng Arabian Sea. Nakatakda sana itong lumapag sa offshore oil rig na Bombay High dakong 11:00 ng umaga.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture