Ni REGGEE BONOAN

FEELING fulfilled si Ryza Cenon na sa tagal na niya sa showbiz, simulang manalo siya sa Starstruck (Season 2, 2004) sa GMA-7 ay ngayon lang siya nagkaroon ng pelikulang mainstream na siya ang bida.

RYZA copy copy

Katambal niya si JC Santos sa Mr. & Mrs. Cruz na idinirige ni Sigrid Andrea Bernardo under Viva Films at IdeaFirst Company.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Twelve years na pala ang nakalipas simula nang pumasok siya sa entertainment industry?

“Yes po,” sagot ng dalagang aktres. “Sa 12 years ko po, ngayon lang po ako nakagawa ng pelikula. And may pressure for me kasi hindi ko alam ‘yung process.”

Pawang supporting roles ang naibigay sa kanya sa Lovestruck (2005), Puso 3 (2006), Migrante (2012), Diyos-Diyosan (2016), at Enteng Kabisote and the Abangers (2016). Considered indie film ang Ang Manananggal sa Unit 23B na siya ang bida.

“Masaya, sobrang blessed ako na unti-unti ko siyang nakukuha. I know it’s late. Kasi I’m 30 na, kaya I think it’s late na rin,” sabi ni Ryza.

Nabanggit din niya na si Jodi Sta. Maria ang peg niya.

“Peg ko pa rin talaga si Ate Jodi, eh. Nakita ko kay Ate Jodi ‘yung career, nagkaroon ako ng chance. Parang siya ‘yung nagbigay ng hope sa akin na may pag-asa pa ako, and this is it,” paliwanag ng dalaga.

Muling naungkat sa interbyu namin kay Ryza ang pag-alis niya last year as exclusive contract star ng GMA Artist Center at paglipat sa Viva Artists Agency.

“Yes, medyo risky. Pero kailangan talaga para mas lalo akong mag-move forward,” aniya.

Aminado ang aktres na ang GMA pa rin ang priority niya pagdating sa TV projects. Kaya hindi siya lilipat ng ibang TV network kahit wala na siyang kontrata sa Kapuso Network.

Samantala, nabanggit ni Direk Sigrid na ten days silang locked-in sa Palawan habang sinu-shoot ang Mr. & Mrs. Cruz at puring-puri niya si Ryza na masunurin at matiyagang aktres.

Natatandaan namin na may out of the country trip sana si Ryza kasama ang boyfriend na si Cholo Barretto pero hindi siya tumuloy dahil mas pinili niya ang Mr. & Mrs. Cruz project na hindi naman niya pinagsisihan.

Malayo raw sa personal niyang buhay ang karakter niya sa pelikula kaya malaking challenge sa kanya na i-deliver ang hinihingi ng istorya. Naipasa niya kaya nga puring-puri siya ni Direk Sigrid na metikulosa sa lahat ng bagay.

Mapapanood na ang Mr. & Mrs. Cruz sa January 24.