NI Marivic Awitan

NAKATAKDANG sumabak ang Philippine Team sa World Ice Dragon Boat Championships sa susunod na buwan sa Doulon China.

Kakatawanin ang Philippine Canoe Kayak Dragon Boat Federation (PCKDF) ng 20 atleta – 10 lalaki at 10 babae.

Magsisilbing head coach at steerman ng koponan ang national coach na si Len Escollante habang ang mismong pangulo ng PCKDF na si Jonne Go ang drummer ng team.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Mapapalaban ang Filipino paddlers sa matinding lamig na inaasahang aabot sa minus 22 degrees Celcius.

May 22 bansa ang lalahok, kabilang ang Hongkong, Taiwan, Russia, USA, Great Britain, Hungary, Canada, Malaysia at China.

Ang Ice dragon boat ay karera sa semi-frozen na tubig at ginagamitan ng spiked paddles at bangkang may ski blades.