JESSY SA WORKSHOP NI RICKY LEE copy

Ni Nitz Miralles

GUSTO palang maging scriptwriter ni Jessy Mendiola. Kabilang siya sa mga dumalo sa scriptwriting workshop ni Ricky Lee.

May ipinost na picture si Jessy sa Instagram na kuha sa mga estudyante ni Ricky Lee at nakita namin ang mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza at may nakita pa kaming datihan nang scriptwriter.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Excited to explore something new. Thank you sir Ricky Lee for encouraging all of us. #batch18 #Rickyeescriptwiringworkshop.”

Nag-comment si Luis Manzano ng, “Proud of you!!!:)” na sinagot ni Jessy ng emoji.

‘Katuwa dahil hindi pa man tapos ang scriptwriting class ni Jessy, may nag-offer na ng trabaho sa kanya. Naghahanap daw sila ng local scriptwriter at i-PM lang sila.